Wednesday, May 6, 2009

ang tatlong nadulot ng FILIPSY sa aking buhay (o kung anong nangyari sa ilang araw na walang blog)

1. Hindi perpekto talaga ang buhay. Napakarami ko nang natutunan sa mga nakaraang araw. Marami mga tago (o di gaano tago) na karanasan, trahedya, at ligaya sa mga pook na malapit sa amin. Siguro kung may ISANG kabutihan na nadulot mula sa aking pagkuha ng Filipino Psychology, ito ay ang simula ng isang mas malalim na pagkamalay sa akin. Kung dati rati, masasabi na usisera lang ako sa aking paligid, ngayon baka hindi na. Ganito pala pag nakiramdam, nakipagpalagayang loob at nakipagkapwa.

Kay Kuya Rocky, Ate Carmel, Ate Regz, Kuya Niki...mas naiintindihan ko na talaga kung bakit nagpupursige kayo.

2. Ilang araw di ako nakatungtong ng DLSU. Kung may balita man ako, ito ay galing sa mga text ng mga kaibigan ko na may klase ngayon o naghahanda para sa LPEP. Paminsan nakakapag-chat pa ako sa mga ilan, pero siguro nauuwi lang ito sa kulitan pagkatapos magkwento. Marami nga akong nakuha mula sa aking field work ngayong linggo, pero hindi magbabago ang realidad na nangungulila ako, naiinis at nagsisisi sa mga ilang mga pagkakataon na di ko nasamantala, at nalulungkot dahil sa mga ilang perwisyo at gastos sa klase na ito. 

Ang "inalay" ko sa punto na ito: ilang araw na ng buhay ko (kasama na rin ang aking kaarawan). Pera (pamasahe, xerox, atbp), ang pagkakataon na makapunta sa Europa kasama ng mga pinsan ko, ang pagkakataon na makasama kay kina Neulfred at Rhea sa LEAD, ang pagkakataon na makatulong ng husto sa LPEP, ang ilang mga "bonding sessions" kasama ng mga kaibigan, panahon na makapiling ang pamilya ko, pagkain, tulog, isang pares ng medyas (nabutas habang naglilibot kahapon), ilang cassette at isang tape recorder, dalawang camera, load..at ung pagkalinaw ng isip ko at yung mga kagrupo ko. Ito lahat para makatapos ako pagdating ng October 2010.

Sa tingin ninyo ba...tama pa ba ito??

3. Dahil kailangan ko masanay sa pagsasalita, pagkikinig at pagiintindi ng wika at saloobin na Filipino, pati na rin ang aking mga inuulit na kanta sa IMEEM...makaPilipino na rin. Binalikan ko talaga ang mga kanta na naalala ko sa panahon na ako pa ay nasa menor de edad

1. "Darating din Tayo" ni Bayang Barrios (matagal na ito, mula sa pagkalaunch)

2. "Tingnan Niyo" ni Joey Ayala (isang dahilan sa aking muntik na pagkaaktibista)

3. "Hinahanap-hanap Kita" ng Rivermaya/Bamboo (nadiskubre ko ulit dahil sa tambayan!)

4. "Bitterly" ng The Jerks (ang pinagmulan ng pagkaemo)

5. "Alaala" ng Tropical Depression (ang pinagmulan ng pagkasentimental)

6. "Rollers On Her Hair" ng Rizal Underground (nakakatuwa ito, promise)

7. "Panambitan" ng The Jerks (nakakatibok ng puso ito :D)

8. "Pagsasalamat" ni Joey Ayala (galing na dasal ito...pakinggan ninyo)

9. "All the Lies You Said" ng The Jerks (whee, nakakabitter)

10. "Bumalik Ka Na" ni Bayang Barrios (cute ito, siguro kasi duet sa CD version)

11. "Magasin" ng Eraserheads (hahaha, nadiskubre ulit dahil sa tambayan)

12. "Ang Huling El Bimbo" ng Eraserheads (again, naenjoy ko ulit sa college)

13. "Harana" ng Parokya ni Edgar (may magandang alaala na sa kanta na ito)

14. "Harinawa" ni Bayang Barrios (isa ring magandang dasal)

15. "Tayo ang Lupa" ni Joey Ayala (nakakadik lang kasi)

16. "Rage" ng the Jerks (ito rin kung bakit ako naging medyo controbersyal sa high school)

17. "Hallelujah" ni Bamboo (bentang benta ito)

18. "Bilog Ang Buwan" ng Tropical Depression (ultimate sa kalokohan...irerekumenda ko ito sa mga may FILIPSY ngayon)

19. "Pare Ko" ng Eraserheads (censored version muna dahil sa aking mga magulang...)

20. "Liwanag sa Dilim" ng Rivermaya (isa pa ring sobrang benta)

2 comments:

  1. Kat, baka magustuhan mo 'to... ndi sya kanta.. pero may kilala akong mahusay magsulat sa Filipino... idol ko nga 'to e.. "paalam" by Ate Carla CB3

    ReplyDelete