Wednesday, May 13, 2009

sa dasal at paninindigan na lang

Grabe. Gumising ako noong May 12, masayang masaya kahit may konting pangamba. Nagawa ko ang karamihan sa mga nais kong gawin: nakapasa ng transcript, nakasama sa LPEP, nakapagbonding sa mga kaklase, ka-YFC, dating kasama sa Malate, at kung anu ano pa, nakasama sa meeting ng SMS, at nakapagbonding na rin sa aking pinsan. Alam ko na biyaya talaga itong araw.

May 13: gumising ako ng bandang tanghali, at parang pumutok ang lobo ng panaginip. Hindi pala biro: naospital pala si Lola. Hindi pala biro: walang kwenta pala ang transcript at kulang na kulang pa ako sa puntos para makapasa ng FILIPSY. Hindi pala biro: dahil kailangan ako mag-ayos ng panibagong transcript sa FILIPSY, hindi na ako makakasama sa LPEP maya-maya...kahit sarili ko nang prof org ang hahataw sa araw na yon.

Milagro lang yata ang makakatulong sa akin.

Kahit saan man ako kukuha ng lakas, hindi ito magiging sapat. Hanggang saan lang talaga ang tulong ng aking pamilya at ang aking mga kaibigan. Kulang sa koneksyon, kulang sa oras, kulang sa pera. Hanggang saan lang ang kakayahan ko. Hanggang saan rin ang tindi ng aking pangarap.

Anong natitira? Puri at dangal? Wala na rin. Reputasyon? Masisira na rin. Lakas? Kamakailan wala ako nito.

Tiwala? Sa Diyos lang.

Paninidigan? Oo, kasi alam ko na dapat kong ayusin ito, na kaya kong ayusin ito, at hindi ako pababayaan.

Pinili ko Siya. Winasak ko ang pagkakataon para sa Kanya. Sumulpot ako sa LPEP dahil sa pangako, pero rin dahil alam ko na matagal na ako hindi nakakapaglingkod sa Kanya. Kaya kong sirain ang buhay ko para makapasa sa FILIPSY, pero mas kakayanin kong isira ang lahat, pati ang natitira kong mga panangga at sandata para sa Kanya. At mas gugustuhin ko yan, pumasa man ako sa klase ko o hindi.

Pagdasal ninyo na makakaraos ako.

1 comment: