Showing posts with label activism. Show all posts
Showing posts with label activism. Show all posts

Friday, August 7, 2009

punong puno ang buhay

Pero di pa ako napupuno sa buhay.

A lot has happened since I last posted here. Not just in the nationwide scene (salamat at paalam Tita Cory!) but just as well in my personal life.

Thank God for GK CET review. Apart from getting to serve in this way, I also learned a lot of my life beyond psychology.

Medyo sabog ako ngayon (orgchem, learpsy, SMS...) pero masaya pa rin kahit papaano. Maliliit mga kasayahan: tanghalian kasama ng pamilya at mga ilang kaibigan. Pasado kahit papaano sa exams. Natapos ang trabaho, aba may kontrata na pala! Yay, sweldo.

(bakit ba puro Filipino ang wika ko pati na rin sa pagsusulat?)

Syanga pala, dahil itong blog na ito ay para sa mga mas personal na sulatin, nilipat ko ang ilan sa mga iba kong gawain sa ibang site. Kung pulitika ng DLSU ang tipo mo, punta ka sa http://witnessingreen.blogspot.com.

Pero kung interesado ka sa eleksyon,sa buhay bagong botante (YFC DLSU! SMS! Magparehistro na tayo!!!), punta kayo sa http://ajoinedcrusade.blogspot.com

 

Monday, August 4, 2008

babae, ina, kilalanin ninyo....

Tingin ng mga bobong kapitbahay ko puta daw ako. Nagpapagamit, binabayaran. Sabi nila ako daw ang pinakamaganda at pinakasikat sa aming lugar noon. Ang bango-bango ko daw, sariwa at makinis. Di ko nga alam kung sumpa ito, dahil dito nagkanda loko-loko ang kinabukasan ko. Halika, makinig ka muna sa kwento ko, yosi muna tayo.

Alam mo, maraming lumapit sa akin, nagkagusto, naakit. Ang hirap pag lahat sa iyo virgin eh. Tinanggap ko naman sila bilang tao, bakit kaya nila ako ginago? Masakit alalahanin, iniisip ko na lang na kasi di sila taga rito, siguro talagang ganoon. Tatlong hayok na foreigners ang namiyesta sa katawan ko, na-rape ako.

Sa tatlong beses akong nagahasa, ang pinakahuli ang di ko makakalimutan. Parang maski di ko ginusto ang mga nangyari, hinahanap-hanap ko siya. Tinulungan nya kasi akong makalimutan yung mga sadistang Espanyol at Hapon. Kasi, ibang-iba talaga sya. Ibang klase siya mag-sorry, lalo pa at kinupkop niya ako at ang mga naging anak ko.

Parating ang dami naming regalo - may chocolates, spam, blue seal na yosi, ano ka! May datung pa! Nakakabaliw siya, alam kong ginagamit niya lang ako pero pagamit naman ako nang pagamit.

Sa kanya namin natutunan mag-inggles, di lang magsulat ha! Magbasa pa! Hanggang ngayon, sa tuwing mabigat ang problema ko, siya ang tinatakbuhan ko. Yun nga lang, lahat ng bagay may kapalit. Nung kinasama ko siya, guminhawa buhay namin. Sosyal na sosyal kami. Pero pakiramdam ko unti unti na akong nalolosyang.

Ewan ko nga ba, akala ko napapamahal na ako sa kanya. Akala ko tuloy-tuloy  na kaligayahan namin, yun pala unti-unti niya akong pinapatay. Putang Ina! Sa dami ng lason na sinaksak niya sa katawan ko, malapit na akong malaspag.

Ang daming nagsabi na ang tanga tanga ko. Patalsikin ko na daw. Sa tulong ng mga anak ko, napalayas ko ang animal pero ang hirap magsimula. Masyado na kaming nasanay sa sarap ng buhay na naranasan namin sa kanya. Lubog na lubog pa kami sa utang, kulang ata pati kaluluwa namin para ibayad sa mga inutang namin.

Sinikap naming lahat maging maganda ang buhay namin. Ayun, mga nasa Japan, Hong Kong, Saudi ang mga anak ko. Yung iba nag-US at Europe. Yung iba ayaw umalis sa akin. Halos lahat, wala naman silbi, masaya daw sa piling ko, maski amoy usok ako.

Sa dami ng mga anak ko na nagsisikap na tulungan ang kalagayan namin, marami rin sa mga anak ko na andito ang namamantala sa kabuhayan at kayamanan na itinatabi ko para sa kinabukasan naming lahat. Halos mahubaran na ako sa sobrang kasakiman ng aking mga anak. Ibinigay ko na ang lahat sa kanila, pero ninanakawan pa rin nila ako. Kaya dumating ang panahon na di na kami halos makaahon sa hirap ng buhay. Napakahirap dahil nasanay na kami sa ginhawa at sarap.

Ang di ko inaakala ay mismong mga anak ko, ang tuluyang sisira sa akin. Napakasakit tanggapin na malinlang. Akala ko ay makakakita ako ng magiging kasama sa buhay sa mga ahas na ipinakilala ng mga anak ko Hindi pala. Ang tanga ko talaga. Binugaw ako ng sarili kong mga anak kapalit ng kwarta at pansamantalang ginhawa na nais nilang matamasa.
 
Wala na akong nagawa dahil sa sobrang pagmamahal ko sa aking mga anak. Wala akong ibang yaman kundi ganda ko. Pinagamit ko na lang ng pinagamit ang sarili ko, basta maging maginhawa lang ang mga anak ko.

Usap-usapan ako ng mga kapitbahay ko. May nanghihinayang, namumuhi at naaawa. Puta na kasi ang isang magandang tulad ko.

Alam mo, gusto ko na sanang tumigil sa pagpuputa kaso ang laki talaga ng letseng utang ko eh. Palaki pa ng palaki. Kulang na kulang. Paano na lang ang mga anak ko naiwan sa aking puder? Baka di na ako balikan o bisitahin ng mga nag-abroad kong mga anak. Hindi na importante kung laspagin man ang ganda ko, madama ko lang ang pagmamahal ng mga anak ko. Malaman nila na gagawin ko ang lahat para sa kanila.

Sa tuwing titingin ako sa salamin, alam ko maganda pa rin ako. Meron pa din ang bilib sa akin. Napapag usapan pa din. Sa tuwing nakikita ko ang mukha ko sa salamin, nakikita ko ang mga anak ko. Tutulo na lang ang mga luha ko ng di ko namamalayan. Ang gagaling nga ng mga anak ko, namamayagpag kahit saan  sila pumunta. Mahusay sa kahit anong gawin. Tama man o mali. Proud ako sa kanila. Kaso sila, kabaligtaran ang nararamdaman para sa akin.

Sa dami ng mga anak ko, iilan lang ang may malasakit sa akin. May malasakit man, nahihilaw pa. Ni hindi nga yata ako kinikilalang ina. Ang dami ko ng pasakit na tiniis pero walang sasakit pa nung sarili kong mga anak ang nagbugaw sa akin. Kinapital ang laspag na ganda ko. Masyado silang nasanay sa sarap ng buhay. Minsan sa pagtingin ko sa salamin, ni hindi ko na nga kilala sarili ko.

Dadating na naman ang pasko, sana maalala naman ako ng mga anak ko. Isang buwan pa, magbabagong taon na. Natatakot ako sa taon na darating. Ngayon pa lang usap usapan na ang susunod na pagbubugaw ng ilan sa mga anak ko. Sana may magtanggol naman sa akin, ipaglaban naman nila ako. Gusto kong isigaw:

"INA NINYO AKO! MAHALIN NIYO NAMAN AKO!”

Sige, dumadrama na ako. Masisira na ang make up ko nito eh. Salamat ha, pinakinggan mo ako. Ay sorry, di ko nasabi pangalan ko.

 

 

Ako nga pala si PILIPINAS.

 

 



PLEASE REPOST OR LINK THIS ARTICLE...
Kailangan po talagang mabasa at maintindihan nating lahat ang pinagdadaanan ng Inang Bayan...and sana after reading this...wag sanang manatili sa ating mga mata lamang ang ating nabasa...we have to converge and organize something like a forum or anything na pwede tayo makapag usap usap and to formulate plan of actions.....TAYO ANG MGA ANAK NI INANG BAYAN..AT KAPAG WALA TAYONG GINAWA BAKA DI NATIN NA MAMALAYAN TAYO NA MISMO ANG BUMUBUGAW SA KANYA...

Friday, March 14, 2008

Saturday, March 1, 2008

*gah*

Hm, so how have the last few days been?

POLITICS: After looking up and reading, I decided to take a stand. I attended the forum in DLSU. I don't regret going to last Friday's interfaith rally. Even if not everyone involved may be of the same mind or credibility, we have to fight for clean governance. Tama na, sobra na, linisin na.

SCHOOL: Compana homework. INTSOCI homework. INTSOCI docu. PSYSTA2. CWTS. Among other things to boot. There is just way too much to be done nowadays.

It's kinda weird that my life nowadays seems to be a bad case of literary deja vu: I'm living a life I read a little bit about in a favorite book of mine.

 

Wednesday, February 27, 2008

the time has come for this again

I'm crossing the line finally between writing and showing up.

Anyway, yesterdays events first: I spent most of the day either studying for the compana test (which is later), or scribbling in my notebook. The only good things I suppose were the free cut and getting to listen to the latter half of Sir Kintanar's lecture on the psychology of love and attachment. And of course, planning today's agenda.

Today: after the compana test, by hook or by crook I will go to the ampitheater to listen and hopefully be enlightened about the current political crisis. I've taken to wearing a green ribbon on my clothes already.

Discussion in the house is so political nowadays. Not that I blame my parents. My father and I got into a debate about the perceptions of the religious with regard to drastic action. My take: when I was a kid, I was told the right thing to do was simply pray. Now I'm older, I think I know better.

Tomorrow: Well, it depends on two things: if I get anything out of listening to Lozada today, and if Erap is going to the rally tomorrow. If that deposed despot shows up at Ayala, I'm taking the first bus home.

Sunday, February 24, 2008

ars pulitika

There's a poster outside the Estrella bus stop that goes: TAMA NA! SOBRA NA! WASAKAN NA!

I can only agree partially with that poster. Granted, the first two statements are true. This regime really has gone too far and needs an accounting. But I am not sure whether changing the names of those in power is the solution. If it will just be another round of musical chairs, no thanks.

Am I being a cowardly activist for not taking to the streets today? I kind of wanted to go to the Mass in Baclaran, but my father warning me about the dangers of it being politicized was enough. I want this crusade for just and transparent governance to be free from the politics of personality. However, psychologically I am not sure if that is completely possible.

I think till the day we can learn to stand for principles and not faces and gimmicks, our country needs some form of crutch. It's time for the remaking of the Filipino, my friends.

Saturday, January 19, 2008

Students For Equality in Education

http://equalityineducation.tripod.com/
My advocacy page; still under construction. I plan on uploading some of my own content pretty soon once I get some field experience.

Wednesday, October 24, 2007

Impolite (dated earlier this year)

Couldn't you have entered in quietly?
I swear, I never invited you in.
I was just puttering in the library
And you followed me right home
And dragged several friends with you

In my sleep, you all call to me
I never have a night's sleep of peace
"I'm seventeen!" I cry to you to leave
But you won't, since you know the truth
I was like all of you once...

"Whatever happened to eagle's wings
And defying the groping arms of night?"
I stand my ground, I have things to do.
"Leave me to my lonely soul, my cocoon.
One day, I'll come, I'll come to you,"

But the last blow to my glass bubble comes
In the form of black and white
Unforgiving papers on my doorstep
Oh why does everything hit so close
When I most wish to forget?

In the morning your vulgar tauntings
Coax me out of the embrace of sleep.
In the afternoon, I hear all your shouting
Telling me why I should move...
Telling me that I'm stuck in miasma.

Ladies and gentlemen leave children to dream
They do not pry into others' businesses
But well, we're all beyond that point
Wretched forms searching, yearning
And I the worst, the least of all.

It is this rudeness I deserve
And that which will save the rest...